Salmo 6:1-6 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. O Panginoon, huwag nʼyo akong parusahan kahit na kayo ay nagagalit sa akin.

2. Maawa po kayo sa akin at akoʼy pagalingin,dahil akoʼy nanghihina na.

3. O Panginoon, akoʼy labis na nababagabag.Kailan nʼyo po ako pagagalingin?

4. Dinggin nʼyo ako Panginoon at akoʼy palayain.Iligtas nʼyo ako sa kamatayan alang-alang sa pag-ibig nʼyo sa akin.

5. Dahil kung akoʼy patay na ay hindi na kita maaalala,sa lugar ng mga patay ay hindi na rin ako makakapagpuri pa.

6. Akoʼy pagod na sa sobrang pagdaing.Gabi-gabiʼy basa ng luha ang aking unan, dahil sa labis na pag-iyak.

Salmo 6