Salmo 59:1-7 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. O Dios, iligtas nʼyo ako sa aking mga kaaway.At sa mga kumakalaban sa akin, ako ay inyong ingatan.

2. Iligtas nʼyo ako sa masasama at sa mga mamamatay-tao.

3. Panginoon, tingnan nʼyo!Inaabangan nila ako para patayin,kahit na wala akong nagawang kasalanan sa kanila.

4-5. Wala akong nagawang kasalanan,ngunit handa silang salakayin ako.Sige na po, Panginoong Dios na Makapangyarihan, Dios ng Israel.Tingnan nʼyo na ang nangyayari; tulungan nʼyo ako!Kumilos na kayo, at parusahan nʼyo ang mga bansang hindi sumasampalataya sa inyo.Huwag nʼyong kahabagan ang mga taksil na iyon.

6. Bumabalik sila kapag gabi at tumataholgaya ng aso habang naglilibot sila sa bayan.

7. Pakinggan nʼyo ang kanilang pananalita; kasing sakit ng tusok ng espada.At sinasabi pa nila, “Wala namang nakakarinig sa atin.”

Salmo 59