1. O Dios, iligtas nʼyo ako sa aking mga kaaway.At sa mga kumakalaban sa akin, ako ay inyong ingatan.
2. Iligtas nʼyo ako sa masasama at sa mga mamamatay-tao.
3. Panginoon, tingnan nʼyo!Inaabangan nila ako para patayin,kahit na wala akong nagawang kasalanan sa kanila.
6. Bumabalik sila kapag gabi at tumataholgaya ng aso habang naglilibot sila sa bayan.
7. Pakinggan nʼyo ang kanilang pananalita; kasing sakit ng tusok ng espada.At sinasabi pa nila, “Wala namang nakakarinig sa atin.”
8. Ngunit, pinagtatawanan nʼyo lang sila Panginoon.Kinukutya nʼyo ang mga taong hindi sumasampalataya sa inyo.
9. O Dios ikaw ang aking kalakasan.Maghihintay ako sa inyo dahil ikaw ang aking tagapagtanggol,
10. at ikaw ang Dios na nagmamahal sa akin.Manguna ka sa akin at ipakita mo sa akin ang pagbagsak ng aking mga kaaway.