6. O Panginoong Dios, sirain nʼyo ang kanilang kakayahan sa pamiminsala na parang binabali nʼyo ang kanilang mga ngipin na parang pangil ng mga leon!
7. Mawala sana silang tulad ng tubig na natutuyoat gawin mo ring walang silbi ang kanilang mga armas.
8. Maging tulad sana sila ng kuhol na parang natutunaw habang gumagapang,o ng sanggol na patay nang ipinanganak, na hindi pa nakakita ng liwanag.
9. Mabilis silang tatangayin ng Dios,maging ang mga nabubuhay pa,mabilis pa sa pag-init ng palayok na inaapuyan ng malakas.