1. Kayong mga pinuno, matuwid ba ang paghatol ninyo sa mga tao?
2. Hindi! Dahil paggawa ng masama ang laging iniisip ninyo at namiminsala kayo sa iba saanman kayo naroroon.
3. Ang masasama ay lumalayo sa Diosat mula nang isilang ay nagsisinungaling na.
4-5. Para silang mga ahas na makamandag.Parang kobrang hindi nakikinig sa tinig ng mahuhusay na tagapagpaamo niya.
6. O Panginoong Dios, sirain nʼyo ang kanilang kakayahan sa pamiminsala na parang binabali nʼyo ang kanilang mga ngipin na parang pangil ng mga leon!
7. Mawala sana silang tulad ng tubig na natutuyoat gawin mo ring walang silbi ang kanilang mga armas.