4. Napapaligiran ako ng mga kaaway,parang mga leong handang lumapa ng tao.Ang mga ngipin nilaʼy parang sibat at pana,mga dilaʼy kasintalim ng espada.
5. O Dios, ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihan sa kalangitan at sa buong mundo.
6. Nabagabag ako dahil naglagay ng bitag ang aking mga kaaway.Naghukay rin sila sa aking dadaanan, ngunit sila rin ang nahulog dito.
7. O Dios, lubos akong nagtitiwala sa inyo.Aawit ako ng mga papuri para sa inyo.
8. Gigising ako ng maaga at ihahanda ko ang aking sarili at ang aking instrumentong may mga kwerdas para magpuri sa inyo.
9. Panginoon, pupurihin ko kayo sa gitna ng mga mamamayan.At sa gitna ng mga bansa, ikaw ay aking aawitan.
10. Dahil ang pag-ibig nʼyo at katapatan ay hindi mapantayan at lampas pa sa kalangitan.
11. O Dios, ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihan sa buong kalangitan at sa buong mundo.