Salmo 57:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. O Dios, maawa kayo sa akin, dahil sa inyo ako nanganganlong.Katulad ng sisiw na sumisilong sa ilalim ng pakpak ng inahing manok, sisilong ako sa inyo hanggang sa wala ng kapahamakan.

2. Tumatawag ako sa inyo, Kataas-taasang Dios,sa inyo na nagsasagawa ng layunin sa aking buhay.

3. Mula sa langit ay magpapadala kayo ng tulong upang akoʼy iligtas.Ilalagay nʼyo sa kahihiyan ang mga kaaway ko.Ipapakita nʼyo ang inyong pag-ibig at katapatan sa akin.

4. Napapaligiran ako ng mga kaaway,parang mga leong handang lumapa ng tao.Ang mga ngipin nilaʼy parang sibat at pana,mga dilaʼy kasintalim ng espada.

5. O Dios, ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihan sa kalangitan at sa buong mundo.

Salmo 57