7. Huwag nʼyo silang hayaang matakasan ang parusa ng kanilang kasamaan.Lipulin nʼyo sila sa inyong matinding galit.
8. Nalalaman nʼyo ang aking kalungkutan at napapansin nʼyo ang aking mga pag-iyak.Hindi baʼt inilista nʼyo ito sa inyong aklat?
9. Kapag tumawag ako sa inyo, O Dios, magsisitakas ang aking mga kaaway.Alam ko ito dahil ikaw ay aking kakampi.
10. Panginoong Dios, pinupuri ko kayo dahil sa inyong mga salita at pangako.
11. Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo.Ano bang magagawa ng isang hamak na tao sa akin? Wala!
12. Tutuparin ko, O Dios, ang mga pangako ko sa inyo.Maghahandog ako ng alay ng pasasalamat sa inyo.
13. Dahil iniligtas nʼyo ako sa kamatayanat hindi nʼyo ako pinabayaang madapa.Para mamuhay akong kasama kayo, O Dios,sa inyong liwanag na nagbibigay-buhay.