Salmo 56:6-9 Ang Salita ng Dios (ASND)

6. Nagsasama-sama sila at nagsisipagtago,binabantayan nila ang lahat ng kilos ko at naghihintay ng pagkakataon upang patayin ako.

7. Huwag nʼyo silang hayaang matakasan ang parusa ng kanilang kasamaan.Lipulin nʼyo sila sa inyong matinding galit.

8. Nalalaman nʼyo ang aking kalungkutan at napapansin nʼyo ang aking mga pag-iyak.Hindi baʼt inilista nʼyo ito sa inyong aklat?

9. Kapag tumawag ako sa inyo, O Dios, magsisitakas ang aking mga kaaway.Alam ko ito dahil ikaw ay aking kakampi.

Salmo 56