Salmo 56:1-8 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. O Dios, maawa kayo sa akin dahil sinasalakay ako ng aking mga kaaway.Palagi nila akong pinahihirapan.

2. Kinukutya nila ako at laging sinasalakay.Kay dami nilang kumakalaban sa akin,O Kataas-taasang Dios.

3. Kapag akoʼy natatakot, magtitiwala ako sa inyo.

4. O Dios, pinupuri ko kayo dahil sa inyong pangako.Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo.Ano bang magagawa ng isang hamak na tao sa akin? Wala!

5. Binabaluktot lagi ng aking mga kaaway ang mga sinasabi ko.Lagi silang nagpaplano na saktan ako.

6. Nagsasama-sama sila at nagsisipagtago,binabantayan nila ang lahat ng kilos ko at naghihintay ng pagkakataon upang patayin ako.

7. Huwag nʼyo silang hayaang matakasan ang parusa ng kanilang kasamaan.Lipulin nʼyo sila sa inyong matinding galit.

8. Nalalaman nʼyo ang aking kalungkutan at napapansin nʼyo ang aking mga pag-iyak.Hindi baʼt inilista nʼyo ito sa inyong aklat?

Salmo 56