Salmo 55:6-14 Ang Salita ng Dios (ASND)

6. At nasabi ko ito: “Kung may pakpak lang ako tulad ng kalapati, lilipad ako at maghahanap ng mapagpapahingahan.

7. Lilipad ako ng malayo at doon mananahan sa ilang.

8. Maghahanap agad ako ng mapagtataguanpara makaiwas sa galit ng aking mga kaaway na tulad ng malakas na hangin o bagyo.”

9. Panginoon, lituhin nʼyo ang aking mga kaaway at guluhin nʼyo ang kanilang mga pag-uusap.Dahil nakita ko ang karahasan at kaguluhan sa lungsod.

10. Araw-gabi itong nangyayari.Ang lungsod ay puno ng kasamaan at kaguluhan.

11. Laganap ang kasamaan at walang tigil ang pang-aapi at pandaraya sa mga lansangan.

12. Matitiis ko kung ang kaaway ko ang kumukutya sa akin.Kung ang isang taong galit sa akin ang magmamalaki sa akin, maiiwasan ko siya.

13. Ngunit mismong kagaya ko, kasama ko at kaibigan ko ang sa akin ay nangiinsulto.

14. Dati, malapit kami sa isaʼt isa, at magkasama pa kaming pumupunta sa templo ng Dios.

Salmo 55