Salmo 55:15-23 Ang Salita ng Dios (ASND)

15. Sanaʼy mamatay na lang bigla ang aking mga kaaway.Sanaʼy malibing silang buhay sa lugar ng mga patay.Sapagkat ang kasamaan ay nasa puso nila at sa kanilang mga tahanan.

16. Ngunit ako ay humihingi ng tulong sa Panginoong Dios,at inililigtas niya ako.

17. Umaga, tanghali at gabi, dumadaing ako at nagbubuntong-hininga sa kanya, at akoʼy pinapakinggan niya.

18. Ililigtas niya ako at iingatan sa aking pakikipaglaban,kahit napakarami ng aking mga kalaban.

19. Pakikinggan ako ng Dios na naghahari magpakailanman,at ibabagsak niya ang aking mga kaaway.Dahil ang aking mga kaaway ay hindi nagbabago at walang takot sa Dios.

20. Kinalaban ng dati kong kaibigan ang kanyang mga kaibigan;at hindi niya tinupad ang kanyang mga pangako.

21. Malumanay at mahusay nga siyang magsalita,ngunit puno naman ng poot ang kanyang puso,at ang kanyang pananalita ay nakakasugat tulad ng matalim na espada.

22. Ibigay mo sa Panginoon ang iyong mga alalahanin at aalagaan ka niya.Hindi niya pababayaan ang mga matuwid magpakailanman.

23. Ngunit itatapon niya ang mga mamamatay-tao at ang mga mandarayasa napakalalim na hukay bago mangalahati ang kanilang buhay.Ngunit ako, akoʼy magtitiwala sa kanya.

Salmo 55