1. O Dios, dinggin nʼyo ang aking dalangin.Ang paghingi ko ng tulong ay bigyan nʼyo ng pansin.
2. Pakinggan nʼyo ako at sagutin,naguguluhan ako sa aking mga suliranin.
3. Nag-aalala na ako sa pananakot at pang-aapi ng aking mga kaaway.Dahil galit na galit sila, ginugulo nila ako at pinagbabantaan.
4. Kumakabog ang dibdib ko sa takot na akoʼy mamatay.
5. Nanginginig na ako sa sobrang takot.
6. At nasabi ko ito: “Kung may pakpak lang ako tulad ng kalapati, lilipad ako at maghahanap ng mapagpapahingahan.
7. Lilipad ako ng malayo at doon mananahan sa ilang.
8. Maghahanap agad ako ng mapagtataguanpara makaiwas sa galit ng aking mga kaaway na tulad ng malakas na hangin o bagyo.”
9. Panginoon, lituhin nʼyo ang aking mga kaaway at guluhin nʼyo ang kanilang mga pag-uusap.Dahil nakita ko ang karahasan at kaguluhan sa lungsod.