3. dahil sinasalakay ako ng mga dayuhan upang patayin. Malulupit sila at hindi kumikilala sa inyo.
4. Kayo, O Dios ang tumutulong sa akin.Kayo, Panginoon ang aking maaasahan.
5. Ibalik nʼyo sana sa aking mga kaaway ang ginagawa nilang masama. O Dios, sa inyong pagkamatapat, lipulin nʼyo sila.
6. Kusang-loob akong maghahandog sa inyo Panginoon.Pupurihin ko ang pangalan nʼyo dahil napakabuti ninyo.
7. Iniligtas nʼyo ako sa lahat ng kahirapan,at nakita kong natalo ang aking mga kaaway.