1. “Walang Dios!”Iyan ang sinasabi ng mga hangal sa kanilang sarili.Masasama sila at kasuklam-suklam ang kanilang mga gawa.Ni isa ay walang gumagawa ng mabuti.
2. Mula sa langit, tinitingnan ng Dios ang lahat ng tao,kung may nakakaunawa ng katotohanan at naghahanap sa kanya.
3. Ngunit ang lahat ay naligaw ng landas at pare-parehong nabulok ang pagkatao.Wala kahit isa man ang gumagawa ng mabuti.
4. Kailan kaya matututo ang masasamang tao?Sinasamantala nila ang aking mga kababayan para sa kanilang pansariling kapakanan.At hindi sila nananalangin sa Dios.