4. Taong sinungaling, ang gusto moʼy makapanakit ng iba sa pamamagitan ng iyong pananalita.
5. Ngunit dudurugin ka ng Dios nang tuluyan.Dadakpin ka at kakaladkarin palabas ng bahay;bubunutin ka mula rito sa mundo ng mga buhay.
6. Makikita ito ng mga matuwid at magtataka sila. Pagtatawanan ka nila at sasabihing,
7. “Tingnan ninyo ang taong hindi nanalig sa Dios bilang matibay nilang kanlungan.Sa halip, nagtiwala lang sa kanyang masaganang kayamanan,at patindi nang patindi ang kanyang kasamaan.”
8. Ngunit ako ay tulad ng punong olibona yumayabong sa loob ng inyong templo.Nagtitiwala ako sa inyong pag-ibig magpakailanman.
9. Pasasalamatan ko kayo magpakailanman dahil sa mga ginawa ninyo.At sa harapan ng mga matatapat sa inyo, ipapahayag ko ang kabutihan ninyo.