1. Ikaw, taong mapagmataas,bakit mo ipinagyayabang ang kasamaan mo?Hindi baʼt ang Dios ay palaging mabuti sa iyo?
2. Sa pagbabalak mo ng masama laban sa iba,kasintalim ng pang-ahit ang iyong dila,at lagi kang nagsisinungaling.
3. Minamahal mo ang kasamaan kaysa sa kabutihan,at mas nais mong magsinungaling kaysa magsabi ng katotohanan.
4. Taong sinungaling, ang gusto moʼy makapanakit ng iba sa pamamagitan ng iyong pananalita.
5. Ngunit dudurugin ka ng Dios nang tuluyan.Dadakpin ka at kakaladkarin palabas ng bahay;bubunutin ka mula rito sa mundo ng mga buhay.
6. Makikita ito ng mga matuwid at magtataka sila. Pagtatawanan ka nila at sasabihing,
7. “Tingnan ninyo ang taong hindi nanalig sa Dios bilang matibay nilang kanlungan.Sa halip, nagtiwala lang sa kanyang masaganang kayamanan,at patindi nang patindi ang kanyang kasamaan.”