Salmo 51:17-19 Ang Salita ng Dios (ASND)

17. Ang handog na nakalulugod sa inyo ay pusong nagpapakumbaba at nagsisisi sa kanyang kasalanan.Ito ang handog na hindi nʼyo tatanggihan.

18. Dahil sa kagustuhan nʼyo,pagpalain nʼyo ang Jerusalem.Muli nʼyong itayo ang mga pader nito.

19. Nang sa gayon malugod kayo sa mga nararapat na handog,pati sa mga handog na sinusunog ng buo.At maghahandog din sila ng mga baka sa inyong altar.

Salmo 51