Salmo 51:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. O Dios, kaawaan nʼyo po akoayon sa inyong tapat na pagmamahal.At ayon sa inyong labis na pagmamalasakit sa akin,ang lahat ng pagsuway ko ay inyong pawiin at akoʼy patawarin.

2. Hugasan nʼyo ako, at linisin nʼyo nang lubos sa aking kasamaan,

3. dahil inaamin ko ang aking mga pagsuway,at lagi kong iniisip ang aking mga kasalanan.

4. Tanging sa inyo lamang ako nagkasala.Gumawa ako ng masama sa inyong paningin.Kaya makatarungan kayo sa inyong pagbibintang sa akin.Karapat-dapat lang na hatulan nʼyo ako.

5. Akoʼy makasalanan at masama mula pa noong akoʼy isinilang,kahit noong ipinaglilihi pa lang ako.

Salmo 51