5. Sinabi niya, “Tipunin sa aking harapan ang mga tapat kong pinilina nakipagkasundo sa akin sa pamamagitan ng paghahandog.”
6. Inihahayag ng kalangitan na ang Dios ay matuwid,dahil siya nga ang Dios na may karapatang mamuno at humatol.
7. Sinabi pa ng Dios, “Kayong mga mamamayan ko,pakinggan ninyo ang aking sasabihin!Ako ang Dios, na inyong Dios.Sasaksi ako laban sa inyo, mga taga-Israel!
8. Hindi dahil sa inyong mga sinusunog na handogna palagi ninyong iniaalay sa akin.
9. Hindi ko kailangan ang inyong mga baka at mga kambing.
10. Sapagkat akin ang lahat ng hayop:ang mga hayop sa gubat at ang mga baka sa libu-libong mga burol.
11. Kilala ko rin ang lahat ng ibon sa mga bundok,at ang lahat ng hayop sa parang ay akin.
12. Kung magutom man ako, hindi ako hihingi sa inyo ng pagkain,dahil ang daigdig at ang lahat ng nasa loob nito ay akin.
13. Kumakain ba ako ng karne ng toro? Hindi!Umiinom ba ako ng dugo ng kambing? Hindi!
14. Ang kailangan kong handog ay ang inyong pasasalamatat ang pagtupad sa mga ipinangako ninyo sa akin na Kataas-taasang Dios.
15. Tumawag kayo sa akin sa oras ng inyong kagipitan.At ililigtas ko kayo at akoʼy pararangalan ninyo.”
16. Ngunit sinabi ng Dios sa mga masama,“Wala kayong karapatang banggitin ang aking mga kautusan at kasunduan!
17. Namumuhi kayo sa aking pagdidisiplina.Hindi ninyo pinapansin ang mga sinasabi ko.