1. O Panginoon, pakinggan nʼyo po ang aking mga hinaing at iyak.
2. Pakinggan nʼyo ang paghingi ko ng tulong, O Dios ko at aking Hari,dahil sa inyo lamang ako lumalapit.
3. Sa umaga, O Panginoon naririnig nʼyo ang aking panalangin, habang sinasabi ko sa inyo ang aking mga kahilingan at hinihintay ko ang inyong kasagutan.
4. Kayo ay Dios na hindi natutuwa sa kasamaan,at hindi nʼyo tinatanggap ang taong namumuhay sa kasalanan.
5. Ang mga mapagmataas ay hindi makalalapit sa inyong harapan,at ang mga gumagawa ng kasamaan ay inyong kinasusuklaman.
6. Lilipulin nʼyo ang mga sinungaling.Kinasusuklaman nʼyo ang mga mamamatay-tao at mga mandaraya.