12. Kahit tanyag ang tao, hindi siya magtatagal;mamamatay din siya katulad ng hayop.
13. Ganito rin ang kahihinatnan ng taong nagtitiwala sa sarili,na nasisiyahan sa sariling pananalita.
14. Silaʼy nakatakdang mamatay.Tulad sila ng mga tupa na ginagabayan ng kamatayan patungo sa libingan.(Pagsapit ng umaga, pangungunahan sila ng mga matuwid.)Mabubulok ang bangkay nila sa libingan,malayo sa dati nilang tirahan.
15. Ngunit tutubusin naman ako ng Diosmula sa kapangyarihan ng kamatayan.Tiyak na ililigtas niya ako.
16. Huwag kang mangamba kung yumayaman ang ibaat ang kanilang kayamanan ay lalo pang nadadagdagan,
17. dahil hindi nila ito madadala kapag silaʼy namatay.Ang kanilang kayamanan ay hindi madadala sa libingan.
18. Sa buhay na ito, itinuturing nila na pinagpala sila ng Dios,at pinupuri din sila ng mga tao dahil nagtagumpay sila.
19. Ngunit makakasama pa rin sila ng kanilang mga ninunong namatay na,doon sa lugar na hindi sila makakakita ng liwanag.
20. Ang taong mayaman na hindi nakakaunawa ng katotohananay mamamatay katulad ng mga hayop.