Salmo 49:1-7 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Makinig kayo, lahat ng bansa,kayong lahat na nananahan dito sa mundo!

2. Dakila ka man o aba,mayaman ka man o dukha, makinig ka,

3. dahil magsasalita ako na puno ng karunungan,at puno rin ng pang-unawa ang aking kaisipan.

4. Itutuon ko ang aking pansin sa mga kawikaan,at ipapaliwanag ko ang kahulugan nito, habang tinutugtog ko ang alpa.

5. Bakit ako matatakot kung may darating na panganib,o kung akoʼy mapaligiran ng aking mga kaaway?

6. Sila ay nagtitiwala sa kanilang kayamananat dahil dito ay nagmamayabang.

7. Pero walang may kakayahang tubusin ang kanyang sarili mula sa kamatayan,kahit magbayad pa siya sa Dios.

Salmo 49