Salmo 48:6-14 Ang Salita ng Dios (ASND)

6. Dahil sa takot, nanginig silagaya ng babaeng nanganganak na namimilipit sa sakit.

7. Winasak sila ng Dios tulad ng mga barkong panglayagna sinisira ng hanging amihan.

8. Noon, nabalitaan natin ang ginawa ng ating Dios,pero ngayon, tayo mismo ang nakakita sa ginawa niya sa kanyang bayan.Siya ang Panginoon ng hukbo ng kalangitan,at patatatagin niya ang kanyang bayan magpakailanman.

9. Sa loob ng inyong templo, O Dios,iniisip namin ang pag-ibig nʼyong matapat.

10. O Dios, dakila ang pangalan nʼyo,at pinupuri kayo ng mga tao sa buong mundo.Ang kapangyarihan nʼyo ay laging makatarungan.

11. Nagagalak ang mga mamamayan ng Zion,at ng mga bayan ng Juda,dahil sa inyong makatarungang paghatol.

12. Mga mamamayan ng Dios,libutin ninyo ang Zion at bilangin ninyo ang mga tore nito.

13. Tingnan ninyong mabuti ang mga pader at ang mga tanggulan ng bayan na ito,upang masabi ninyo sa susunod na salinlahi,

14. “Siya ang Dios, ang Dios natin magpakailanman.Siya ang gagabay sa atin habang buhay.”

Salmo 48