Salmo 48:4-10 Ang Salita ng Dios (ASND)

4. Nagtipon-tipon ang mga hari upang sumalakay sa Jerusalem.

5. Ngunit noong nakita ng mga hari ang bayan,nagulat, natakot at nagsitakas sila.

6. Dahil sa takot, nanginig silagaya ng babaeng nanganganak na namimilipit sa sakit.

7. Winasak sila ng Dios tulad ng mga barkong panglayagna sinisira ng hanging amihan.

8. Noon, nabalitaan natin ang ginawa ng ating Dios,pero ngayon, tayo mismo ang nakakita sa ginawa niya sa kanyang bayan.Siya ang Panginoon ng hukbo ng kalangitan,at patatatagin niya ang kanyang bayan magpakailanman.

9. Sa loob ng inyong templo, O Dios,iniisip namin ang pag-ibig nʼyong matapat.

10. O Dios, dakila ang pangalan nʼyo,at pinupuri kayo ng mga tao sa buong mundo.Ang kapangyarihan nʼyo ay laging makatarungan.

Salmo 48