Salmo 48:1-8 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Dakila ang Panginoon na ating Dios,at karapat-dapat na papurihan sa kanyang bayan,ang kanyang banal na bundok.

2. Itoʼy mataas at maganda,at nagbibigay kagalakan sa buong mundo.Ang banal na bundok ng Zion ay ang bayan ng Makapangyarihang Hari.

3. Ang Dios ay nasa mga muog ng Jerusalem,at ipinakita niyang siya ang Tagapagligtas ng mga taga-Jerusalem.

4. Nagtipon-tipon ang mga hari upang sumalakay sa Jerusalem.

5. Ngunit noong nakita ng mga hari ang bayan,nagulat, natakot at nagsitakas sila.

6. Dahil sa takot, nanginig silagaya ng babaeng nanganganak na namimilipit sa sakit.

7. Winasak sila ng Dios tulad ng mga barkong panglayagna sinisira ng hanging amihan.

8. Noon, nabalitaan natin ang ginawa ng ating Dios,pero ngayon, tayo mismo ang nakakita sa ginawa niya sa kanyang bayan.Siya ang Panginoon ng hukbo ng kalangitan,at patatatagin niya ang kanyang bayan magpakailanman.

Salmo 48