Salmo 47:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Kayong mga tao sa bawat bansa, magpalakpakan kayo!Sumigaw sa Dios nang may kagalakan.

2. Ang Panginoon, ang Kataas-taasang Dios at kagalang-galang.Siya ang dakilang Hari sa buong sanlibutan.

3. Ipinasakop niya sa aming mga Israelita ang lahat ng bansa.

4. Pinili niya para sa amin ang lupang ipinangako bilang aming mana.Itoʼy ipinagmamalaki ni Jacob na kanyang minamahal.

5. Ang Dios ay umaakyat sa kanyang tronohabang nagsisigawan ang mga tao at tumutunog ang mga trumpeta.

Salmo 47