Salmo 46:4-6 Ang Salita ng Dios (ASND)

4. May ilog na nagbibigay ng kagalakan sa bayan ng Dios,sa banal na tahanan ng Kataas-taasang Dios.

5. Ang Dios ay nakatira sa lungsod na ito kaya hindi ito magigiba.Itoʼy kanyang ipagtatanggol sa kinaumagahan.

6. Nagkakagulo ang mga bansa; bumabagsak ang mga kaharian.Sa sigaw ng Dios, ang mga tao sa mundo ay parang matutunaw sa takot.

Salmo 46