9. Ang ilan sa inyong mga kagalang-galang na babae ay mga prinsesa.At sa inyong kanan ay nakatayo ang reynana nakasuot ng mga alahas na purong ginto mula sa Ofir.
10. O kasintahan ng hari, pakinggan mo ang sasabihin ko:Kalimutan mo ang iyong mga kamag-anak at mga kababayan.
11. Nabihag mo ang hari ng iyong kagandahan.Siyaʼy iyong amo na dapat igalang.
12. Ang mga taga-Tyre ay magdadala sa iyo ng kaloob;pati ang mga mayayaman ay hihingi ng pabor sa iyo.
13. Nagniningning ang kagandahan ng prinsesa sa loob ng kanyang silid.Ang kanyang suot na trahe de boda ay may mga burdang ginto.
14. Sa ganitong kasuotan ay dadalhin siya sa hari,kasama ng mga dalagang abay.
15. Masayang-masaya silang papasok sa palasyo ng hari.
16. Mahal na Hari, ang inyong mga anak na lalakiay magiging hari rin, katulad ng kanilang mga ninuno.Gagawin nʼyo silang mga pinuno sa buong daigdig.
17. Ipapaalala kita sa lahat ng salinlahi.Kaya pupurihin ka ng mga tao magpakailanman.