Salmo 45:1-11 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Ang aking puso ay punong-puno ng magagandang paksahabang akoʼy nagsasalita ng mga tula para sa hari.Ang aking kakayahan sa pagsasalita ay katulad ng kakayahan ng isang magaling na makata.

2. Mahal na Hari, kayo ang pinakamagandang lalaki sa lahat.At ang mga salita nʼyo ay nakabubuti sa iba.Kaya lagi kayong pinagpapala ng Dios.

3. Marangal na hari na dakilang mandirigma!Isukbit nʼyo sa inyong tagiliran ang inyong espada.

4. Ipahayag na ang inyong kadakilaan!Maging matagumpay kayo na may katotohanan, kapakumbabaan at katuwiran.Gumawa kayo ng mga kahanga-hangang bagay sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.

5. Patamaan nʼyo ng matatalim nʼyong palaso ang puso ng inyong mga kaaway.Babagsak ang mga bansa sa inyong paanan.

6. O Dios, ang kaharian mo ay magpakailanmanat ang paghahari moʼy makatuwiran.

7. Kinalulugdan mo ang gumagawa ng matuwid at kinamumuhian mo ang gumagawa ng masama.Kaya pinili ka ng Dios, na iyong Dios, at binigyan ng kagalakang higit sa ibinigay niya sa mga kasama mo.

8. Ang mga damit nʼyo ay pinabanguhan ng mira, aloe at kasia.Sa inyong palasyo na nakakasilaw sa ganda,nililibang kayo ng mga tugtugin ng alpa.

9. Ang ilan sa inyong mga kagalang-galang na babae ay mga prinsesa.At sa inyong kanan ay nakatayo ang reynana nakasuot ng mga alahas na purong ginto mula sa Ofir.

10. O kasintahan ng hari, pakinggan mo ang sasabihin ko:Kalimutan mo ang iyong mga kamag-anak at mga kababayan.

11. Nabihag mo ang hari ng iyong kagandahan.Siyaʼy iyong amo na dapat igalang.

Salmo 45