6. Hindi ako nagtitiwala sa aking espada at pana upang akoʼy magtagumpay,
7. dahil kayo ang nagpapatagumpay sa amin.Hinihiya nʼyo ang mga kumakalaban sa amin.
8. O Dios, kayo ang lagi naming ipinagmamalaki,at pupurihin namin kayo magpakailanman.
9. Ngunit ngayoʼy itinakwil nʼyo na kami at inilagay sa kahihiyan.Ang mga sundalo namin ay hindi nʼyo na sinasamahan.
10. Pinaatras nʼyo kami sa aming mga kaaway,at ang aming mga ari-arian ay kanilang sinamsam.
11. Pinabayaan nʼyong kami ay lapain na parang mga tupa.Pinangalat nʼyo kami sa mga bansa.
12. Kami na inyong mga mamamayan ay ipinagbili nʼyo sa kaunting halaga.Parang wala kaming kwenta sa inyo.
13. Ginawa nʼyo kaming kahiya-hiya;iniinsulto at pinagtatawanan kami ng aming mga kalapit na bansa.
14. Ginawa nʼyo kaming katawa-tawa sa mga bansa,at pailing-iling pa sila habang nang-iinsulto.
15. Akoʼy palaging inilalagay sa kahihiyan.Wala na akong mukhang maihaharap pa,
16. dahil sa pangungutya at insulto sa akin ng aking mga kaaway na gumaganti sa akin.
17. Ang lahat ng ito ay nangyari sa aminkahit na kami ay hindi nakalimot sa inyo,o lumabag man sa inyong kasunduan.
18. Hindi kami tumalikod sa inyo,at hindi kami lumihis sa inyong pamamaraan.
19. Ngunit kami ay inilugmok nʼyo at pinabayaan sa dakong madilim na tinitirhan ng mga asong-gubat.
20. O Dios, kung kayo ay nakalimutan namin,at sa ibang dios, kami ay nanalangin,