16. dahil sa pangungutya at insulto sa akin ng aking mga kaaway na gumaganti sa akin.
17. Ang lahat ng ito ay nangyari sa aminkahit na kami ay hindi nakalimot sa inyo,o lumabag man sa inyong kasunduan.
18. Hindi kami tumalikod sa inyo,at hindi kami lumihis sa inyong pamamaraan.
19. Ngunit kami ay inilugmok nʼyo at pinabayaan sa dakong madilim na tinitirhan ng mga asong-gubat.
20. O Dios, kung kayo ay nakalimutan namin,at sa ibang dios, kami ay nanalangin,
21. hindi baʼt iyon ay malalaman nʼyo rin?Dahil alam nʼyo kahit ang mga lihim sa isip ng tao.
22. Ngunit dahil sa aming pananampalataya sa inyo,kami ay palaging nasa panganib ang aming buhay.Para kaming mga tupang kakatayin.
23. Sige na po, Panginoon! Kumilos na kayo!Huwag nʼyo kaming itakwil magpakailanman.
24. Bakit nʼyo kami binabalewala?Bakit hindi nʼyo pinapansin ang aming pagdurusa at ang pang-aapi sa amin?
25. Nagsibagsak na kami sa lupa at hindi na makabangon.
26. Sige na po, tulungan nʼyo na kami.Iligtas nʼyo na kami dahil sa inyong pagmamahal sa amin.