14. Ginawa nʼyo kaming katawa-tawa sa mga bansa,at pailing-iling pa sila habang nang-iinsulto.
15. Akoʼy palaging inilalagay sa kahihiyan.Wala na akong mukhang maihaharap pa,
16. dahil sa pangungutya at insulto sa akin ng aking mga kaaway na gumaganti sa akin.
17. Ang lahat ng ito ay nangyari sa aminkahit na kami ay hindi nakalimot sa inyo,o lumabag man sa inyong kasunduan.
18. Hindi kami tumalikod sa inyo,at hindi kami lumihis sa inyong pamamaraan.
19. Ngunit kami ay inilugmok nʼyo at pinabayaan sa dakong madilim na tinitirhan ng mga asong-gubat.
20. O Dios, kung kayo ay nakalimutan namin,at sa ibang dios, kami ay nanalangin,
21. hindi baʼt iyon ay malalaman nʼyo rin?Dahil alam nʼyo kahit ang mga lihim sa isip ng tao.
22. Ngunit dahil sa aming pananampalataya sa inyo,kami ay palaging nasa panganib ang aming buhay.Para kaming mga tupang kakatayin.