Salmo 44:1-9 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. O Dios, narinig namin mula sa aming mga ninunoang tungkol sa mga ginawa nʼyo sa kanila noong kanilang kapanahunan.Matagal nang panahon ang lumipas.

2. Ang mga bansang hindi naniniwala sa inyoay pinalayas nʼyo sa kanilang mga lupain at pinarusahan,samantalang ang aming mga ninuno ay itinanim nʼyo roon at pinalago.

3. Nasakop nila ang lupain,hindi dahil sa kanilang mga armas.Nagtagumpay sila hindi dahil sa kanilang lakas,kundi sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, pagpapala at kakayahan,dahil mahal nʼyo sila.

4. O Dios, kayo ang aking Hari na nagbigay ng tagumpay sa amin na lahi ni Jacob.

5. Sa pamamagitan nʼyo pinatumbaʼt tinapak-tapakan namin ang aming mga kaaway.

6. Hindi ako nagtitiwala sa aking espada at pana upang akoʼy magtagumpay,

7. dahil kayo ang nagpapatagumpay sa amin.Hinihiya nʼyo ang mga kumakalaban sa amin.

8. O Dios, kayo ang lagi naming ipinagmamalaki,at pupurihin namin kayo magpakailanman.

9. Ngunit ngayoʼy itinakwil nʼyo na kami at inilagay sa kahihiyan.Ang mga sundalo namin ay hindi nʼyo na sinasamahan.

Salmo 44