Salmo 42:2-6-7 Ang Salita ng Dios (ASND)

2. Akoʼy nauuhaw sa inyo, Dios na buhay.Kailan pa kaya ako makakatayo sa presensya nʼyo?

3. Araw-gabiʼy, luha ko lang ang pagkain ko,habang sinasabi sa akin ng aking mga kaaway,“Nasaan na ang Dios mo?”

4. Sumasama ang loob ko kapag naaalala ko na dati ay pinangungunahan ko ang maraming tao na pumupunta sa templo.At kami ay nagdiriwang, sumisigaw sa kagalakan at nagpapasalamat sa inyo.

5. Bakit nga ba ako nalulungkot at nababagabag?Dapat magtiwala ako sa inyo.Pupurihin ko kayong muli, aking Dios at Tagapagligtas!

6-7. Nanghihina ang loob ko.Akoʼy parang tinabunan nʼyo ng malalaking alon,na umuugong na parang tubig sa talon.Kaya dito ko muna kayo inaalala sa paligid ng Ilog ng Jordan at Hermon, sa Bundok ng Mizar.

10. Para bang tumatagos na sa aking mga buto ang pang-iinsulto ng aking mga kaaway.Patuloy nilang sinasabi, “Nasaan na ang Dios mo?”

11. Bakit nga ba ako nalulungkot at nababagabag?Dapat magtiwala ako sa inyo.Pupurihin ko kayong muli, aking Dios at Tagapagligtas!

Salmo 42