Salmo 42:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Tulad ng usang sa tubig ng ilog ay nasasabik,O Dios, ako sa inyoʼy nananabik.

2. Akoʼy nauuhaw sa inyo, Dios na buhay.Kailan pa kaya ako makakatayo sa presensya nʼyo?

3. Araw-gabiʼy, luha ko lang ang pagkain ko,habang sinasabi sa akin ng aking mga kaaway,“Nasaan na ang Dios mo?”

4. Sumasama ang loob ko kapag naaalala ko na dati ay pinangungunahan ko ang maraming tao na pumupunta sa templo.At kami ay nagdiriwang, sumisigaw sa kagalakan at nagpapasalamat sa inyo.

Salmo 42