Salmo 41:7-13 Ang Salita ng Dios (ASND)

7. Ang lahat ng galit sa akin ay masama ang iniisip tungkol sa akin,at pinagbubulung-bulungan nila ito.

8. Sinasabi nila,“Malala na ang karamdaman niyan,kaya hindi na iyan makakatayo!”

9. Kahit ang pinakamatalik kong kaibigan na kasalo ko lagi sa pagkain at pinagkakatiwalaan –nagawa akong pagtaksilan!

10. Ngunit kayo Panginoon, akoʼy inyong kahabagan.Pagalingin nʼyo ako upang makaganti na ako sa aking mga kaaway.

11. Alam ko na kayoʼy nalulugod sa akin,dahil hindi ako natatalo ng aking mga kaaway.

12. Dahil akoʼy taong matuwid,tinutulungan nʼyo ako at pinapanatili sa inyong presensya magpakailanman.

13. Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, magpakailanman.Amen! Amen!

Salmo 41