Salmo 41:3-9 Ang Salita ng Dios (ASND)

3. Tutulungan siya ng Panginoon kung siya ay may sakit,at pagagalingin siya sa kanyang karamdaman.

4. Sinabi ko,“O Panginoon, nagkasala ako sa inyo.Maawa kayo sa akin, at pagalingin ako.”

5. Ang aking mga kaaway ay nagsasalita laban sa akin.Sinasabi nila,“Kailan pa ba siya mamamatay upang makalimutan na siya?”

6. Kapag dumadalaw sila sa akin, nagkukunwari silang nangungumusta,pero nag-iipon lang pala sila ng masasabi laban sa akin.Kapag silaʼy lumabas na, ikinakalat nila ito.

7. Ang lahat ng galit sa akin ay masama ang iniisip tungkol sa akin,at pinagbubulung-bulungan nila ito.

8. Sinasabi nila,“Malala na ang karamdaman niyan,kaya hindi na iyan makakatayo!”

9. Kahit ang pinakamatalik kong kaibigan na kasalo ko lagi sa pagkain at pinagkakatiwalaan –nagawa akong pagtaksilan!

Salmo 41