Salmo 41:1-7 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Mapalad ang taong nagmamalasakit sa mga mahihirap.Tutulungan siya ng Panginoon sa panahon ng kaguluhan.

2. Ipagtatanggol siya ng Panginoon, at iingatan ang kanyang buhay.Pagpapalain din siya sa lupain natin.At hindi siya isusuko sa kanyang mga kaaway.

3. Tutulungan siya ng Panginoon kung siya ay may sakit,at pagagalingin siya sa kanyang karamdaman.

4. Sinabi ko,“O Panginoon, nagkasala ako sa inyo.Maawa kayo sa akin, at pagalingin ako.”

5. Ang aking mga kaaway ay nagsasalita laban sa akin.Sinasabi nila,“Kailan pa ba siya mamamatay upang makalimutan na siya?”

6. Kapag dumadalaw sila sa akin, nagkukunwari silang nangungumusta,pero nag-iipon lang pala sila ng masasabi laban sa akin.Kapag silaʼy lumabas na, ikinakalat nila ito.

7. Ang lahat ng galit sa akin ay masama ang iniisip tungkol sa akin,at pinagbubulung-bulungan nila ito.

Salmo 41