Salmo 40:8-17 Ang Salita ng Dios (ASND)

8. O Dios, nais kong sundin ang kalooban ninyo.Ang inyong mga kautusan ay iniingatan ko sa aking puso.”

9. Sa malaking pagtitipon ng inyong mga mamamayan, inihayag ko ang inyong pagliligtas sa akin.At alam nʼyo, Panginoon, na hindi ako titigil sa paghahayag nito.

10. Hindi ko sinasarili ang pagliligtas nʼyo sa akin.Ibinabalita ko na kayo ay nagliligtas at maaasahan.Hindi ako tumatahimik kapag nagtitipon ang inyong mga mamamayan.Sinasabi ko sa kanila ang inyong pag-ibig at katotohanan.

11. Panginoon, huwag nʼyong pigilin ang awa nʼyo sa akin.Ang inyong pag-ibig at katapatan ang laging mag-iingat sa akin.

12. Hindi ko na kayang bilangin ang napakarami kong suliranin.Para na akong natabunan ng marami kong kasalanan,kaya hindi na ako makakita.Ang bilang ng aking mga kasalanan ay mas marami pa kaysa sa aking buhok.Dahil dito, halos mawalan na ako ng pag-asa.

13. Panginoon, pakiusap!Iligtas nʼyo ako at kaagad na tulungan.

14. Mapahiya sana at malito ang lahat ng nagnanais na mamatay ako.Magsitakas sana sa kahihiyan ang lahat ng mga nagnanais na akoʼy mapahamak.

15. Pahiyain nʼyo nang lubos ang mga nagsasabi sa akin, “Aha! Napasaamin ka rin!”

16. Ngunit ang mga lumalapit sa inyo ay magalak sana at magsaya.Ang mga nagpapahalaga sa inyong pagliligtas ay lagi sanang magsabi,“Dakilain ang Panginoon!”

17. Ako naman na dukha at nangangailangan,alalahanin nʼyo ako, Panginoon.Kayo ang tumutulong sa akin.Kayo ang aking Tagapagligtas.Aking Dios, agad nʼyo akong tulungan.

Salmo 40