5. Panginoon kong Dios, wala kayong katulad.Napakarami ng kahanga-hangang bagay na inyong ginawa para sa amin,at ang inyong mga plano para sa amin ay marami rin.Sa dami ng mga itoʼy hindi ko na kayang banggitin.
6. Hindi kayo nalulugod sa ibaʼt ibang klaseng handog.Hindi kayo humihingi ng handog na sinusunog at handog para sa kasalanan.Sa halip, ginawa nʼyo akong masunurin sa inyo.
7. Kaya sinabi ko,“Narito ako. Sa inyong Kasulatan ay nakasulat ang tungkol sa akin.
8. O Dios, nais kong sundin ang kalooban ninyo.Ang inyong mga kautusan ay iniingatan ko sa aking puso.”
9. Sa malaking pagtitipon ng inyong mga mamamayan, inihayag ko ang inyong pagliligtas sa akin.At alam nʼyo, Panginoon, na hindi ako titigil sa paghahayag nito.