Salmo 4:5-8 Ang Salita ng Dios (ASND)

5. Magtiwala kayo sa Panginoon at mag-alay sa kanya ng tamang mga handog.

6. Marami ang nagsasabi,“Sino ang magpapala sa amin?” Panginoon, kaawaan nʼyo po kami!

7. Pinaliligaya nʼyo ako,higit pa kaysa sa mga taong sagana sa pagkain at inumin.

8. Kaya nakakatulog ako ng mapayapa,dahil binabantayan nʼyo ako, O Panginoon.

Salmo 4