Salmo 39:7-13 Ang Salita ng Dios (ASND)

7. At ngayon, Panginoon, ano pa ang aasahan ko?Kayo lang ang tanging pag-asa ko.

8. Iligtas nʼyo ako sa lahat kong kasalanan,at huwag nʼyong hayaang pagtawanan ako ng mga hangal.

9. Akoʼy mananahimik at hindi na ibubuka pa ang aking bibig,dahil nanggaling sa inyo ang pagdurusa kong ito.

10. Huwag nʼyo na akong parusahan.Akoʼy parang mamamatay na sa dulot nʼyong kahirapan.

11. Dinidisiplina nʼyo ang tao kapag siya ay nagkakasala.Katulad ng anay, inuubos nʼyo rin ang kanilang mga pinahahalagahan.Tunay na ang buhay ng tao ay pansamantala lamang.

12. “Panginoon, dinggin nʼyo ang dalangin ko.Pakinggan nʼyo ang paghingi ko ng tulong sa inyo.Huwag nʼyo sanang balewalain ang aking mga pag-iyak.Dahil dito sa mundo akoʼy dayuhan lamang,gaya ng aking mga ninuno, sa mundo ay lilisan.

13. Huwag na kayong magalit sa akin,upang akoʼy maging masaya bago ako mamatay.”

Salmo 39