16. Kayaʼt hinihiling ko sa inyo:“Huwag nʼyong payagan na matuwa ang aking mga kaawayo kayaʼy magmalaki kapag akoʼy natumba.”
17. Akoʼy parang babagsak nasa walang tigil na paghihirap.
18. Kaya inihahayag ko ang aking kasalanan na nagpapahirap sa akin.
19. Tungkol naman sa aking mga kaaway, napakarami at napakalakas nila.Kinamumuhian nila ako ng walang dahilan.
20. Sa mabuti kong ginawa,sinusuklian nila ako ng masama.At kinakalaban nila akodahil nagsisikap akong gumawa ng mabuti.
21. Panginoon kong Dios, huwag nʼyo akong pababayaan;huwag nʼyo akong lalayuan.
22. Panginoon kong Tagapagligtas, agad nʼyo po akong tulungan.