26. Ang matuwid ay palaging nagbibigay at nagpapahiram,at ang kanilang mga anak ay nagiging pagpapala sa iba.
27. Iwasan ang masama at gawin ang mabuti;nang sa gayon ay manahan ka sa lupain magpakailanman.
28. Dahil ang nais ng Panginoon ay katarungan,at ang mga taong tapat sa kanya ay hindi niya pinapabayaan.Silaʼy iingatan niya magpakailanman.Ngunit ang lahi ng mga taong masama ay mawawala.
29. Ang mga matuwid ay mananahan magpakailanman sa lupain ng Israel na sa kanilaʼy ipinamana.
30. Ang taong matuwid ay nagsasalita ng tama, at may karunungan.
31. Ang Kautusan ng Dios ay iniingatan niya sa kanyang puso,at hindi niya ito sinusuway.
32. Ang mga taong masamaʼy laging nagbabantayupang salakayin at patayin ang taong may matuwid na pamumuhay.
33. Ngunit hindi pababayaan ng Panginoon ang taong matuwidsa kamay ng kanyang mga kaaway,o parurusahan man kapag siyaʼy hinatulan.
34. Magtiwala ka sa Panginoon at sundin mo ang kanyang pamamaraan.Pararangalan ka niya at patitirahin sa lupain ng Israel,at makikita mong itataboy niya ang mga taong masama.
35. Nakita ko ang masamang tao na nang-aapi.Gusto niyang kilalanin siyang mataas kaysa sa iba,katulad ng mataas na punongkahoy ng Lebanon.
36. Nang siyaʼy aking balikan, siyaʼy wala na;hinanap ko siya ngunit hindi ko na nakita dahil siyaʼy patay na.
37. Tingnan mo ang taong totoo at matuwid.May magandang kinabukasan at may tahimik na pamumuhay.
38. Ngunit lilipulin ang lahat ng masama,at ang kinabukasan nila ay mawawala.
39. Ang kaligtasan ng mga matuwid ay mula sa Panginoon.Siya ang nag-iingat sa kanila sa panahon ng kaguluhan.
40. Tinutulungan sila ng Panginoon at inililigtas sa mga taong masama,dahil silaʼy humihingi ng kanyang kalinga.