Salmo 37:22-34 Ang Salita ng Dios (ASND)

22. Ang mga pinagpapala ng Panginoon ay patuloy na titira sa lupain ng Israel.Ngunit silang mga isinumpa niya ay palalayasin.

23. Ginagabayan ng Panginoon ang bawat hakbang ng taong matuwid na ang buhay ay nakakalugod sa kanya.

24. Matisod man siyaʼy hindi siya mabubuwal,dahil hinahawakan siya ng Panginoon.

25. Akoʼy naging bata at ngayoʼy matanda na,ngunit hindi ko pa nakita kahit kailan na ang matuwid ay pinabayaan ng Panginoono ang kanya mang mga anak ay namalimos ng pagkain.

26. Ang matuwid ay palaging nagbibigay at nagpapahiram,at ang kanilang mga anak ay nagiging pagpapala sa iba.

27. Iwasan ang masama at gawin ang mabuti;nang sa gayon ay manahan ka sa lupain magpakailanman.

28. Dahil ang nais ng Panginoon ay katarungan,at ang mga taong tapat sa kanya ay hindi niya pinapabayaan.Silaʼy iingatan niya magpakailanman.Ngunit ang lahi ng mga taong masama ay mawawala.

29. Ang mga matuwid ay mananahan magpakailanman sa lupain ng Israel na sa kanilaʼy ipinamana.

30. Ang taong matuwid ay nagsasalita ng tama, at may karunungan.

31. Ang Kautusan ng Dios ay iniingatan niya sa kanyang puso,at hindi niya ito sinusuway.

32. Ang mga taong masamaʼy laging nagbabantayupang salakayin at patayin ang taong may matuwid na pamumuhay.

33. Ngunit hindi pababayaan ng Panginoon ang taong matuwidsa kamay ng kanyang mga kaaway,o parurusahan man kapag siyaʼy hinatulan.

34. Magtiwala ka sa Panginoon at sundin mo ang kanyang pamamaraan.Pararangalan ka niya at patitirahin sa lupain ng Israel,at makikita mong itataboy niya ang mga taong masama.

Salmo 37