14. Binunot na ng masasama ang kanilang mga espada,at nakaumang na ang kanilang mga panaupang patayin ang mga dukha na namumuhay nang matuwid.
15. Ngunit sila rin ang masasaksak ng kanilang sariling espadaat mababali ang kanilang mga pana.
16. Ang kaunting tinatangkilik ng matuwid ay mas mabutikaysa sa kayamanan ng masama.
17. Dahil tutulungan ng Panginoon ang matuwid,ngunit mawawalan ng kakayahan ang taong masama.
18. Araw-araw, inaalagaan ng Panginoon ang mga taong matuwid.At tatanggap sila ng gantimpalang pangwalang hanggan.
19. Sa panahon ng kahirapan hindi sila malalagay sa kahihiyan.Kahit na taggutom, magkakaroon pa rin sila ng kasaganaan.
20. Ngunit ang mga taong masamaʼy mamamatay.Ang mga kaaway ng Panginoon ay mamamatay tulad ng bulaklak.Silaʼy maglalaho na gaya ng usok.
21. Ang taong masama ay nangungutang pero hindi nagbabayad,ngunit ang taong matuwid ay naaawa at nagbibigay ng sagana.