12. Ang mga masama ay nagpaplano ng hindi mabuti laban sa mga matuwid,at galit na galit sila.
13. Ngunit tinatawanan lamang ng Panginoon ang mga masama,dahil alam niyang malapit na ang oras ng paghahatol.
14. Binunot na ng masasama ang kanilang mga espada,at nakaumang na ang kanilang mga panaupang patayin ang mga dukha na namumuhay nang matuwid.
15. Ngunit sila rin ang masasaksak ng kanilang sariling espadaat mababali ang kanilang mga pana.
16. Ang kaunting tinatangkilik ng matuwid ay mas mabutikaysa sa kayamanan ng masama.
17. Dahil tutulungan ng Panginoon ang matuwid,ngunit mawawalan ng kakayahan ang taong masama.
18. Araw-araw, inaalagaan ng Panginoon ang mga taong matuwid.At tatanggap sila ng gantimpalang pangwalang hanggan.
19. Sa panahon ng kahirapan hindi sila malalagay sa kahihiyan.Kahit na taggutom, magkakaroon pa rin sila ng kasaganaan.
20. Ngunit ang mga taong masamaʼy mamamatay.Ang mga kaaway ng Panginoon ay mamamatay tulad ng bulaklak.Silaʼy maglalaho na gaya ng usok.
21. Ang taong masama ay nangungutang pero hindi nagbabayad,ngunit ang taong matuwid ay naaawa at nagbibigay ng sagana.
22. Ang mga pinagpapala ng Panginoon ay patuloy na titira sa lupain ng Israel.Ngunit silang mga isinumpa niya ay palalayasin.
23. Ginagabayan ng Panginoon ang bawat hakbang ng taong matuwid na ang buhay ay nakakalugod sa kanya.
24. Matisod man siyaʼy hindi siya mabubuwal,dahil hinahawakan siya ng Panginoon.
25. Akoʼy naging bata at ngayoʼy matanda na,ngunit hindi ko pa nakita kahit kailan na ang matuwid ay pinabayaan ng Panginoono ang kanya mang mga anak ay namalimos ng pagkain.
26. Ang matuwid ay palaging nagbibigay at nagpapahiram,at ang kanilang mga anak ay nagiging pagpapala sa iba.
27. Iwasan ang masama at gawin ang mabuti;nang sa gayon ay manahan ka sa lupain magpakailanman.