1. Pumapasok sa puso ng masamang tao ang tukso ng pagsuway,kaya wala man lang siyang takot sa Dios.
2. Dahil mataas ang tingin niya sa kanyang sarili,hindi niya nakikita ang kanyang kasalanan para kamuhian ito.
3. Ang kanyang mga sinasabi ay puro kasamaan at kasinungalingan.Hindi na niya iniisip ang paggawa ng ayon sa karunungan at kabutihan.
4. Kahit siyaʼy nakahiga, nagpaplano siya ng masama.Napagpasyahan niyang gumawa ng hindi mabuti,at hindi niya tinatanggihan ang kasamaan.
5. Panginoon, ang inyong pag-ibig at katapatanay umaabot hanggang sa kalangitan.
6. Ang inyong katuwiran ay kasintatag ng kabundukan.Ang inyong paraan ng paghatol ay sinlalim ng karagatan.Ang mga tao o hayop man ay inyong iniingatan, O Panginoon.
7. Napakahalaga ng pag-ibig nʼyong walang hanggan, O Dios!Nakakahanap ang tao ng pagkalinga sa inyo, tulad ng pagkalinga ng inahing manok sa kanyang mga inakay sa ilalim ng kanyang pakpak.