Salmo 35:20-28 Ang Salita ng Dios (ASND)

20. Walang maganda sa sinasabi nila,sa halip sinisiraan nila ang namumuhay nang tahimik.

21. Sumisigaw sila sa akin na nagpaparatang,“Aha! Nakita namin ang ginawa mo!”

22. Panginoon, alam nʼyo ang lahat ng ito,kaya huwag kayong manahimik.Huwag kayong lumayo sa akin.

23. Sige na po, Panginoon kong Dios, ipagtanggol nʼyo na ako sa kanila.

24. O Dios ko, dahil kayo ay matuwid kung humatol,ipahayag nʼyo na wala akong kasalanan.Huwag nʼyong payagang pagtawanan nila ako.

25. Huwag nʼyong hayaang sabihin nila sa kanilang sarili,“Sa wakas, nangyari rin ang gusto naming mangyari,natalo na rin namin siya!”

26. Mapahiya sana silang nagmamalaki sa akinat nagagalak sa aking mga paghihirap.

27. Sumigaw sana sa kagalakan ang mga taong nagagalak sa aking kalayaan.Palagi sana nilang sabihin,“Purihin ang Panginoon na nagagalak sa tagumpay ng kanyang mga lingkod.”

28. Ihahayag ko sa mga tao ang inyong pagkamakatwiran,at buong maghapon ko kayong papupurihan.

Salmo 35